Kita Kita Movie 2017; 10 Reasons Why

PicsArt_07-26-12.37.07

Hi I’m Hannah Panadera. Ay, Porsche Cadiz pala. But I’m not suicidal. Hehe… Napanood namen ang pelikulang Kita Kita. Pakita pa lang, alam ko na maganda ito. At nang lumabas sa sinehan, hindi ko ito pinalampas. Ang buong istorya ay nangyari sa Japan. Ang mga artista ay sina Alessandra da Rossi at Empoy Marquez. Magaling sila. Nagampanan nila ang hinihingi ng pelikula, walang alinlangan. Sa Direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo. Samantalang sina Piolo Pascual, Director Joyce Bernal, Erickson Raymundo and Suzanne Shayne Sarte ang mga Producer.

images (6)

Warning: Spoiler Alert!

Isa itong romantic comedy. Tumakbo ang buong istorya kay Lea (Alessandra) at Empoy (Tonyo). Nagkaroon ng pansamantalang pagkabulag si Lea matapos nya matuklasan na niloloko sya ng boyfriend nyang Hapon na si Nobu. Lingid sa kanyang kaalaman, sinusundan na pala sya ni Tonyo matagal na. Nang panahon na wasak naman si Tonyo sa pagkakahiwalay nila ng girlfriend nya, si Lea ang nagbigay bigay sa kanya ng pagkain at tubig. Kaya naman sa panahong kinailangan ng tulong ni Lea, andun naman si Tonyo para sa kanya. Nagpakilala si Tonyo at nagbigay ng mga pagkain. Pumapasyal sila sa mga pasyalan sa Sapporo, Japan. Nagkakaroon ng biruan at harutan. Hanggang na-develop sila sa isa’t-isa habang nasa kondisyon ng pagkabulag si Lea. Stress daw ang dahilan ng kanyang pagkabulag. (Malapit na rin siguro ako mabulag. Haysss.. ) Isa sa mga pasyal nila Lea at Tonyo, iniwan saglit ni Tonyo si Lea  sa isang tabi para bumili ng regalo na teddy bear. Biglang luminaw at unti-unting nagbalik ang paningin ni Lea. Natanaw pa nya si Tonyo sa kabilang kalsada. Kumaway sya. Nalaman ni Tonyo na nanumbalik na ang kanyang paningin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nasagasaan si Tonyo. At yun na ang una at huli nilang pagkikita. Maraming natuklasan si Lea tungkol kay Tonyo nang nagpunta sya sa bahay na inupahan neto. Kasama na ang paggawa ni Tonyo ng isanlibong “paper cranes” at pagkatapos ay humiling siya na manumbalik ang paningin ni Lea; sulat ni Tonyo na inibigay sana sa araw na nangyari ang aksidente; sya pala ang saging na pinagkatiwalaan ni Lea ng buhay nya; at sya din pala ang nagpapunta kay Lea sa Beer Garden para makita nya ang kanyang boyfriend at kaibigan na nagtataksil sa kanya.

unnamed

Request kong panoorin mo rin. Para makita mo at maramdaman ang emosyon na meron sa pelikulang ito. Hindi maipaliwanag. Pasensya na, napahaba ang kwento. Eto na ang aking sampung (10) masasabi sa pelikulang Kita Kita.

Isa

Nag-iisa ang pelikulang ito. Hindi typical. Hindi predictable ang istorya, may lungkot, may kilig, may tawa.

Dalawa

Dalawang beses ko narinig at tumatak sa akin ang kantang “Two Less Lonely People in the World” sa bersyon ni KZ Tandingan. Punung-puno ng damdamin. Orihinal itong kinanta ng Air Supply.

Tatlo

Tatlong babae ang katabi ko sa kaliwa na panay ang komento sa bawat eksena ng pelikula. Gusto kong sabihan na, “Manahimik Kayo!”

Apat

Halos apat na raan piso (400) na pala ang sine ngayon.

Lima

Hindi ko sigurado kung limang beses kinurot ng pelikulang ito ang puso ko. Tignan nyo ang limang linya na tumatak sa isip ko.

“Bulag ka ba? Nakikita mong bulag ako?” – Lea

“Eh, ano kung bulag ka, ako naman ang magsisilbing mata mo eh.” – Tonyo

“Noong nakakakita ka, ‘di mo ako nakita. Nang mabulag ka, doon mo lang ako nakita.” – Tonyo

“’Di ko alam kung bakit pinili kong umihi sa salawal kong saging kaysa mawala ka sa paningin ko.” – Lea

“Nang gabing ito, pinagkatiwala ko ang buhay ko sa isang saging.” – Lea

images (5)

Anim

Pang anim or six, No SEX scene pero makabuluhan ang istorya.

Pito

Hindi lang pitong beses ako tumawa.

Walo

Tunay nga na walang katapusan ang pag-ibig. Eternal/Eternity ika nga. ♾ Kahit nawala na ang taong mahal mo, magpapatuloy ang pag-ibig mo.

Siyam

Pang siyam o nine. None! Walang tapon ang pelikulang ito. Sana marami pang kahit hindi star-studded na pelikula ay may aral. Napagtanto ko na hindi kailangan ng magagandang mukha sa showbiz ang gaganap para maging kapanapanabik ang bawat tagpo. Kaya kang pakiligin ng isang magandang istorya at sinematograpiya.

Sampu

10 stars ang rating ko! 🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟 Chill, Relax, Tawa, Iyak, at Realisasyon ang naramdaman ko sa pelikulang Kita-Kita.

Talaga namang bagay ang puso ❤ at ang saging 🍌. Ikaw, ano ang bilang sampu sa buhay mo? Share mo naman. 😊

Paborito ko nga pala ang karakter na si Sapporo. Kita kita tayo!❤🍌

(Credit to image owners)

30-Day Relationship Challenge

If you’re feeling stuck in a relationship rut, a little extra spice may be just what you and your significant other need. Once the honeymoon phase passes, it’s easy for the initial spark to flicker and fade a bit, but there are plenty of ways to keep the romance alive and kicking! This 30-day challenge is designed to help increase the sweet and sexy elements in your relationship by doing at least one specific romantic thing, together or for each other, every day for the duration of a month.

This challenge is great for any type of relationship, whether you’ve been together for years or just want to ramp up the romance. You don’t have to do the list in order or wait until the beginning of the month to begin — get started doing this sweet stuff now!

Credit: PopSugar

ALDUB Fever: Ano ang Hindi Naten Nakikita?

Ilang dekada na ako nanonood ng Eat Bulaga. Mula bata pa lang ako na kasama ko ang lolo at lola ko, hanggang ngayon na may mga anak na ako. Nagkaroon na ng iba’t ibang mga co-hosts ang respetadong grupo nila Tito, Vic and Joey at hindi nauubusan ng mga segment na talaga naman ay makapagpapasaya ng mga manonood.

Sa kasalukuyan, kada tanghali na lang ay pinapakilig ng tambalang AlDub o kilala din minsan na MaiDen (Alden Richard at Maine Mendoza) ang mga Pilipino (maging foreigners) hindi lang yung mga nasa Pilipinas, pati na rin yung mga nasa labas ng bansa. Bakit nga ba ganito na lang kung mapangiti at mapakilig nila ang mga Pinoy fans? Hindi ko naumpisahan ang tinatawag nilang “Kalye -Serye” pero makakasunod tayo sa istorya nila dahil sa dami ng mga posts sa social media. Sa Facebook, YouTube, Twitter, at mga blogs, AlDub ang laman. Umaani din sila ng milyon-milyong hashtags mula sa AlDub fans sa bung mundo.

Maraming nagsasabi na ang mga tv screens sa pampublikong lugar ay dinudumog kapag oras na ng paglabas ng Aldub sa Eat Bulaga. May mga Pinoy OFWs din na nakikiisa sa pag-post ng tungkol sa mga pagka-kilig nila sa tambalang AlDub. Maging ilang tindahan ay nagsasara pa nga, makapanood lang ng sikat na tambalan. Ang tanghalian sa bahay maging sa labas ay lalong pinapainit ng AlDub. Siyempre kapag may mga bida, meron din kontra-bida; si Lola Nidora. May kasama syang 2 kapatid na sina Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) na may pagka kunsintidor sa 2 batang nagmamahalan.

Dahil sa sobrang kilig, ano ang hindi naten napapansin? Ang Kalye-Serye ay may sinasabi sa kalagayan ng lipunan naten ngayon.

  • Sa Tamang Panahon

Nagtuturo ito sa mga manonood lalo sa kabataan ng kahalagahan ng paghihintay sa “Tamang panahon”. Halos lahat ngayon ay automatic na. Mabilis na komunikasyon. Mabilis na pagluluto (instant at fast food). Mabilis na ligawan. 3 in 1 na kape! Ipinapakita ng tambalan na ang pagkilala sa isa’t isa ay mahalaga sa pundasyon ng relasyon. Minsan mas nakaka-kilig pa nga ang mga nabibitin kesa bigay todo agad. Malalaman din and sinseridad ng pagmamahal kung nakapaghihintay sa tamang panahon.

  • Instant na ba Lahat?

Nagpapakita ito na hindi pa naman lahat sa mundo ngayon ay “digital” o mabilisan. Maaari pa rin tayong mabuhay sa mga lumang kaugalian na mas nararapat lalo sa mga kabataan. Ngayon pupunta lang sa bar may makikilala tapos magpapalitan ng number tapos magkakasama na agad. Ang susunod na malalaman ay buntis si babae pero may asawa pala si lalake. Ano na mangyayare? May isang inosenteng bata na naman ang mabubuhay sa mundo na walang maayos na pamilya. Sana ang kaugalian na nakikita sa AlDub ay isabuhay dahil kahit saan makarating, iba pa rin ang nagkaroon ng panahon para magkakilala. Yun ang tunay na Pilipina.

  • Ang Social Media ay Boses ng Pilipino

Pinapatunayan nito kung gaano kalakas ang impluwensya ng mamamayan o ang boses ng Pilipino sa kanilang mga kagustuhan sa pamamagitan ng pag gamit ng social media. Sabi ko nga, “The social media can break or make a person”. Nalalaman ang pulso ng mamamayan at manonood sa pamamagitan ng pag Tweet o pag post sa Facebook, Instagram atbp. gamit ang #hashtag. Ang mga reaksyon ng tao ang nagbibigay ng ideya kung ano ang inaabangan na eksena sa bawat segment. Minsan, ang taong bayan na ang nasusunod at nagsisilbing script writer ng love story ng Aldub. May mga papuri at meron din naman mga bashers. Maging sa totoong buhay, depende sa reaksyon naten ang kalalabasan ng paninira at papuri ng tao. Ang Social Media ay isa sa paraan ng malayang pamamahayag na kadalasan ay naabuso. Sabi nga, “Think before you click.”

  • May Forever?

Bumubuo ang Aldub ng sambayanan na naniniwala sa #Forever (meron nga ba?) Aldub gives hope that there is someone waiting for you and that both of you are destined to be together… Forever!

  • Walang Estado ang Pagmamahal

Ipinapakita nito na hindi sa estado ng buhay nasusukat ang pagmamahal. Hindi ito namimili, kusa itong nararamdaman. Mayaman o mahirap. May ipin o wala. Minsan pa nga, sa hindi inaasahang araw at lugar.

  • Respeto sa Nakatatanda

Nagbibigay ito ng aral sa mga kabataan na maging magalang sa nakatatanda kahit pa may masamang ugali o hindi mahusay sila na pakikisama. Walang kondisyon ang pagiging magalang. Respect! Period.

  • Walang Edad sa Pag-ibig

Nasa Ford Malolos kami isang araw, ang palabas sa Lounge area ay Eat Bulaga. At syempre ang pinakahihintay ng lahat ay ang segment ng AlDub. Kilig na kilig ang kasama ko na may edad na isang ginang na mukhang may kaya. Siguro nasa early 50’s ang edad nya. Ang lakas talaga ng tili nya.

Sa kasalukuyan, endorser  na sa iba’t ibang produkto at sikat na food chain ang Aldub. Patuloy silang nagpapakilig sa ating mga puso at napapasaya ang sambayanan sa kabila ng kaliwa’t kanan na mga suliranin. Sa maikling oras may nakikitang ngiti sa mga Pinoy na pantanggal umay sa mga maling palakad at pamamaraan ng mga namamahala sa gobyerno. Wag naman din po sana magkaroon pa ng mga hidwaan sa ibang gusto rin magpasaya sa mga Pilipino. May kanya kanya po tayong pamamaraan. Doon po tayo sa masaya tayo. Kung ayaw po naten sa paraan ng iba, wag na lang po tayo magsalita ng hindi maganda. Magmahalan po tayong lahat. Tayo ay Pilipino, magkaisa po tayo sa isang layunin na mapagaan ang araw-araw na saloobin. Smile! Konti lang! Habang kumakain ng pastillas!

May idadagdag ka ba? Paki comment na lang po. Share kung ok lang. Then like the page http://www.facebook.com/PorschesDiary

Mahal mo, Mahal ka ba?

Biglang naging makulay ang paligid. Nakangiti ka nang hindi mo alam kung bakit.  Pag nakikita mo sya hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Parang may kakaibang saya. Kahit anong gawin nya ay “magic”! Lage kayo magkasama. Minsan inaaya mo sya, minsan naman sya na nag o-offer na samahan ka. Masaya mo namang tinatanggap. Napaisip ka tuloy, paramdam ba ito o sadyang ganun lang sya talaga?

Ang bait nya. Ang cute nya. Ang bango nya. Talented sya. Mabait sya sa friends mo. May pangarap sya. May ginagawa sya na parang kayo na. Minsan hindi mo na alam kung kayo ba o hindi naman pala. Parang perfect na. Soulmate mo na ba sya? Hanggang sa nasabi mo na lang, “Mahal ko sya.”

photo credit: www.karyobrunner.com

Pano kung kaka-break lang pala nya sa ex nya? Hindi pa sya ready makipag relasyon ulit. Maghihintay ka ba? O tatanggapin mo na friends zone ka lang. Pero aminin mo, umaasa ka na makikita ka nya hindi bilang kaibigan lang. Sinubukan mo na kalimutan, pero hindi kinaya.

Sa ngayon, ok na muna na magkasama kayo. Ok na muna na napapangiti ka nya. Ok lang na kaibigan lang muna.

Kung hanggang kelan, hindi pa alam. Ang importante kasama mo sya. Kasama ka nya. Maiiwan ang tanong na, “Mahal ka ba?”

Cheating? How to detect?

They say, “Love is a special feeling that only can begin when you open up your heart and let somebody in.” This is the first quote about LOVE which I memorized from childhood.

What happens when you let somebody in? Giving your heart to someone also means giving them the right to hurt you. But at first, you wake up with an automatic smile on your face, everything seems right, destiny it is.. is it? Though “Men are polygamous in nature and Women are territorial in nature”, at present time it seems that we have an equal number of men and women cheating.

photo credit: www.gettheguy.co.uk

Infidelity

Now, how will you know you are being cheated? Take note of these questions. If most of the answer is YES, then you already know.

1. Does he/she break the old habits of calling and texting you once in a while?

2. Does he/she often go out with “friends” you don’t really know?

3. Does he/she seem not present on your date or when you are together? (Hello! Are you with me?)

4. Does his/her money/budget seem always short?

5. Does he/she now not letting you see or hold his/her mobile phone?

6. Are there unregistered number on call logs? (Yeah right! He/She will delete it for sure. Sometimes they forget too. Your chance.)

7. Is there a message thread with only forwarded messages from unregistered number? (It could be a sign to call the sender or “I’m home!”)

8. Does he/she speak less? (Afraid to catch the fish on his/her mouth)

9. Is the mobile phone cannot be reached at times?

10. Is he/she not clingy anymore or it lessens?

11. Is he/she hot-headed with you most of the time?

12. Did he/she call you on a different name or term of endearment?

13. Did he/she mistakenly bring you a food or anything you do not really like or worst is what you are allergic at?

14. Did he/she ask you of a place like both of you have been there but never together as a couple?

15. Is he/she not that intimate at all with you?

These are just collectively heard and observed  from people who experienced cheating. It is always best to talk first to your partner before jumping in to conclusions. Chances are given only to those who are worth it.

You might have your own share. Feel free to comment. I can add yours with your name. What will you do now?

A Video Presentation

Check this out! A surprise presentation made by my husband on my birthday!

For any presentation needs, personal or business, contact us. We will be glad to assist you. Enjoy!

Please Don’t Promise Me Forever

I want us to love each other one day at a time…
… And string those days together like the precious things they are…
… Instead of trying too hard and promising too much.
Please don’t expect me to always be good and kind and loving.
There are times when I will be cold
and thoughtless  and hard to understand.
But it will only be because of the weather, or the flu, or one of my moods
… not because I love you less. Please remember that.
Please don’t think about all the things that could happen to us.
Don’t think about other people coming between us.
Don’t think about outgrowing each other or growing out of love.
Please do think about all the good things that could happen to us.
Think of growing closer to each other,
finding new reasons for being together…
… and think of loving. I will, too. I am right now.
Please don’t get mad at me if I forget your birthday,
or some special day we share…
… and please remember that there is an “everydayness”
about what we have that is beyond birthdays and anniversaries
That’s why, sometimes, I may not remember one special day…
… because all our days are special to me.
Please don’t ever sign a letter “as ever”
Please don’t be too easy on me …
Or expect me to be easy on you.
Both of us have room to grow,
and both of us have to grow if we want to hold each other’s love
Please don’t ever give me too much of yourself
or take too much of me.
In our togetherness, we still need our private places.
Please listen to me, when I’m talking to you…
… and please don’t ever think about someone else when I kiss you
Together Forever
Please don’t start an argument
or make me look foolish in front of other people…
… but when we’re alone
don’t feel like you’re walking on eggs.
Go ahead and say what you think.
if I need telling off, tell me off
Then we can have our fight
and make up
and love again
just us.
Please remember to call me sometimes for no reason
except that you feel me thinking about you, needing your voice
Please don’t ever lose that laugh of yours-
It’s such a real laugh.
And never change the way you brush my hair back from my eyes
and smile when I’m trying to be very serious…
or the little odd ways you have of saying things that make you “you”
one of a kind,
the one I love.
Please, lets not use politeness
And busyness and silence
to avoid our problems
and the places where we hurt if something is wrong,
lets go after it and make it right.
It’s a good feeling to think of growing older with you
but please, let’s not ever grow old
I want us to always hang on to the newness
that we have right now.
And lets never be ashamed of our innocence,
of the child within us.
Lets never give up our dreams.
Please don’t try keep it from me when you’re feeling down
I’ll never be able to share your joy if you try to protect me from your sadness
Please don’t ever say never…
… and please don’t promise me forever
All I ask
is that you love me
now.
And please know that I love you more today then I ever had before.
I can’t promise you forever,
but I can promise you today with the hope and belief
that there is a beautiful tomorrow in store for us.
by Rick Lyons