Eto na nga ang pinakaabangan ng karamihan, ang pelikula hatid ng IWant TFC at Dreamscape; Glorious. Bida si Angel Aquino at ang baguhang aktor na si Tony Labrusca. Una ko sya nakita sa Pinoy Boy Band. Spotted agad. 😍
Nakakaintriga ang mga romantic scenes at ang istorya. Trailer pa lang ay 2M views agad sa loob pa lang ng 3 oras. Hindi nila inaasahan ang mainit na pagtanggap ng publiko. Ang init naman din kase talaga. Hot ang aktor na si Tony at ang kanyang leading lady na kahit edad 43 (kung hindi ako mali) na ay pwede pa makipagsabayan sa mga nakababata. Panoorin ang trailer.
Ano nga ba ang istorya? Ang karakter ni Angel na si Glory ay may 3 anak na nasa legal age na. Ipinagpalit sya ng asawa nya sa kanyang sekretarya. Sumusuporta na lang sya sa kanilang mga anak. Nakilala ni Glory ang karakter ni Tony na si Niko nang tumingin si Glory/G ng lampshade na binilin ng asawa nya. Sa kasamaang palad, pangit daw ang taste ni Glory.
Dun na nag umpisa ang istorya. Binata si Niko na hindi sumuko na makipagkaibigan kay Glory. Hanggang sa nagkita sila at nagkaalaman na click naman pala sila. Kay Niko naramdaman ni Glory na maging masaya at magaan ang buhay, maalagaan at marami pang iba. Naman, kung ganun nga, hindi ka ba ma-fall? Mabuti na lang seryoso si Niko sa kanya kahit pa 22 anyos lang sya at 50 anyos si Glory. Hindi ito karaniwan. Kaya magiging laman talaga ng usap usapan ang ganung relasyon.
Mabuti na lang tanggap ang relasyon ni Niko at Glory ng mga anak nya. Di ko in-expect. May suporta pa. Sana lahat ng dadaan sa ganung sitwasyon maintindihan din ng iba. Umasa tayo. 😣
Natural na hindi lahat ay maiintindihan o tatanggapin ang kakaiba nilang relasyon. Hindi kumpleto ang buhay pag walang kontra bida. 😁 Yun ang conflict. Panoorin nyo na lang ha. Ang mga hot scenes sa tingun ko ay Rated R. Ano nga ba ang rating na binigay ng MTRCB? May values pa rin ang movie kahit na may ganung mga bed scenes.
Eto na nga ang mga nagustuhan kong salita o linya na galing sa Glorious:
1. My beautiful sexy lola.
2. Alam mo edad lang yan, ang importante ramdam kita.
3. Siguro naghihintay ng tamang tao. Ako ba? Sulit ba?
4. Viscos – masarap at hindi nakakaumay
5. Pag may importanteng pag uusapan, kailangan disente.
6. I’ve never felt this alive in my life.
7. Hindi sya bata pag magkasama kame.
8. Magsilbi sa mahal mo.
9. Tatlong bagay na iniisip ng mga tao na basis ng relasyon na ‘to: pera, good f*ck, mother figure.
10. Kahit magkaedad tayo, kung hindi tayo magkakaunawaan, magkakahiwalay din tayo.
11. Sya lang yung nanjan para saken nung hirap na hirap nako sa thesis ko (Oh wow! This is crazy .i.)
12. How young is young pala? Mahal mo na?
13. We can’t choose the people we love.
14. Glory: Ang bata! / Friend: Syempre noh, idol kita. Mentor!
15. Niko: Sexy mo naman. / Glory: SEXY mo naman…
16. Ikaw pinakamahal ko sa lahat ng naging girlfriends ko.
17. (Talking about annulment) Gusto ko pag ipunan yun. Magkano kaya aabutin yun? Sa tingin mo, ilang ilaw, ilang cellphone o ilang spare parts ang kailangan ko ibenta para pag-ipunan KA? (whew! kung ako yan, haba ng hair ko)
18. Oo, gusto kitang pakasalan.
19. Alapo (Lola of Niko)
20. Hija, hindi mayaman ang aming pamilya. Ang tangung yaman namen ay ang aming relasyon sa isa’t isa.
21. Ang marunong umalis, matutong bumalik.
22. Sana naghintay ka muna Mia. Sana you took your time.
23. Lahat yan tatanggapin ko, kase mahal na mahal kita.
24. Kahit kailan, yun talaga ang parte ng buhay mo na hindi ako makakasali. Basta andun si Mike.
25. Wala ako sa lugar para husgahan ang kaligayahan ng aking apo.
26. Ang sa akin kang, magsabi ng totoo!
27. Bakit kailangan itago ang katotohanan?
28. Alam kong mahirap tanggapin kung anong meron kami. Pero umaasa lang ako, sana iba yung samen. Mahirap pong pigilan. Hindi ko naman sya pinilit.
29. Yung pinaramdam nya saken, kahit kailan hindi ko pa naranasan.
30. Halos ikamatay ko ang desisyon ko na manatili sa relasyon na yun.
31. Pero nung dumating si Niko, gumaan lahat.
32. Alam ko na may hangganan ang lahat. Pwede kami maghiwalay. Pwede ako mauna sa kanya.
33. Ayoko na magsisi ulit. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na binigay saken. Yung ayokong manghinayang na hindi ko naramdaman yung ganitong pagmamahal. ❤
34. Kung talagang mahal mo sya, wag mong nakawin ang pagkakataon na para sa kanya.
35. Tibayan mo ang puso mo na huwag padala sa mga husga nila.
36. Kahit saan tayo lumipat, uulit at uulit lang to.
37. Ayusin mo ang sarili mo.
38. Kung tunay ka nyang mahal, babalikan ka nya.
All lines are in chronological order. You probably know how the story went. Worth watching! 5 stars to the actors, crew/staff, cinematography, writers and director. Credit to the Official sound tracks. It made the scenes more romantic, heavy, and all messages they wanted to convey. Congrats!
One of the Official Soundtracks available for now. I will update once available; (Magkaibang Mundo by KZ). Below is Saglit by Moira dela Torre.
I can watch it all over again. To view this digital movie, you simply have to download the new iWant mobile app for free (Android or iOS).
Questions in mind:
1. Ok ba talaga gumawa ng paso na may kahawak na kamay?
2. Babae talaga ang huhushagan sa kahit anong edad, pagkakataon at panahon?
3. Ilang Glorious ang nagtuloy at nagpigil ng mga nararamdaman nila?
4. Ilang Niko ang naging totoo? ang nanindigan?
5. Iiwan mo ba talaga kahit mahal mo pa?
Pakisagot nga po. Alin din ba ang paborito mong linya?
Please like my Facebook page kung sa tingun nyo may sense pala to.
(Credit to the owners of the images posted. No copyright intent.)
Salamat Maggie (one of my bffs) for sharing this movie. 🎬🎥